Salted Caramel Chocolate Mango Jelly Cake

Directions

  1. 1Maglatag ng walong piraso ng salted caramel chocolate cake bars sa baking pan.
  2. 2I-press down ang cake bars sa baking pan (7.5x2.5 inches).
  3. 3I-shred ang dalawang hinog na mangga.
  4. 4Hiwain nang pa-cubes ang isang piraso ng hinog na mangga.
  5. 5Sa isang kawali, ilagay ang isang sachet ng mango gulaman at 1/4 cup ng cornstarch.
  6. 6Haluin habang binubuhos ang isang malaking lata (370ml) ng evaporated milk.
  7. 7Idagdag ang dalawang tasa ng tubig.
  8. 8Ibuhos ang isang lata (390g) ng mango condensed milk upang unti-unting matunaw ang gulaman at cornstarch.
  9. 9Ibuhos ang shredded mangga.
  10. 10Lutuin ang jelly mixture over medium heat, tuloy-tuloy ang paghalo para hindi dumikit sa kawali at para hindi masunog ang mixture, hanggang sa kumulo.
  11. 11Ibuhos ang mixture sa baking pan.
  12. 12Ilagay sa ibabaw ang cube mangga.
  13. 13Hayaan itong mag-set at lumamig completely sa room temperature.
  14. 14Pagkatapos ay i-unmold.
  15. 15I-drizzle ng caramel sauce sa ibabaw (opsyonal).

Ingredients

  • 8 pieces salted caramel chocolate cake bars
  • 3 piraso hinog na mangga
  • 1 sachet mango gulaman
  • 0.25 cup cornstarch
  • 1 can evaporated milk
  • 2 cups tubig
  • 1 can mango condensed milk

Equipment

baking panwhiskkawali

Tips

  • Ang pag-drizzle ng caramel sauce ay opsyonal.