Pork Tonkatsu

Directions

  1. 1Hiwain ang cabbage nang paganyan.
  2. 2Ilagay ang hiniwang cabbage sa isang bowl at i-set aside.
  3. 3I-pat dry ang pork chop gamit ang tissue.
  4. 4Durugin ang pork chop gamit ang likod ng kutsilyo para mas madaling maluto at para lutong-luto pati ang loob nito.
  5. 5Lagyan ng salt at pepper ang pork chop.
  6. 6Sa isang bowl, maglagay ng all-purpose flour, garlic powder, salt, at pepper.
  7. 7Maglagay ng dalawang itlog.
  8. 8Maglagay ng kaunting gatas.
  9. 9Haluin nang mabuti hanggang sa maging well-combined.
  10. 10I-set aside muna ang wet butter at i-ready na ang breadcrumbs.
  11. 11I-coat ang pork chop sa wet butter.
  12. 12Pagkatapos i-coat sa wet butter, ilagay sa breadcrumbs at i-press nang kaunti para dumikit nang mabuti ang breadcrumbs.
  13. 13Painitin ang mantika.
  14. 14Kapag mainit na ang mantika, ilagay ang pork chop.
  15. 15Lutuin ang pork chop ng ilang minuto hanggang maging golden brown at crispy.
  16. 16Sa isang bowl, pagsamahin ang oyster sauce, ketchup, calamansi juice, at kaunting sugar.
  17. 17Idagdag ang soy sauce.
  18. 18I-toast ang sesame seeds hanggang maging golden brown ang hitsura.
  19. 19Ilagay ang toasted sesame seeds sa sauce.
  20. 20Haluin nang mabuti ang sauce hanggang maging well-combined.
  21. 21Hanguin at i-drain ang pork chop para matanggal ang excess oil.
  22. 22Hiwain ang nilutong pork chop nang paganyan.
  23. 23Maglagay ng kanin sa isang plato.
  24. 24Maglagay ng hiniwang cabbage sa gilid ng kanin.
  25. 25Ipatong ang nilutong pork chop sa kanin at cabbage.
  26. 26Budburan ng ginawang tonkatsu sauce ang pork chop.
  27. 27Enjoy!

Ingredients

  • Cabbage
  • 4 pieces Pork chop
  • All-purpose flour
  • Garlic powder
  • Salt
  • Pepper
  • 2 pieces Egg
  • Milk
  • Breadcrumbs
  • Oyster sauce
  • Ketchup
  • Calamansi juice
  • Sugar
  • Soy sauce
  • Sesame seeds

Equipment

Cutting boardKnifePlateBowlWhiskPanTongsWire rack

Tips

  • Siguraduhin na ma-pat dry ang pork chop para mas masarap kapag niluto.
  • Maaaring gumamit ng likod ng kutsilyo bilang tenderizer.
  • Huwag kalimutan na i-toast ang sesame seeds para mas sumarap ang sauce.
  • I-drain ang excess oil ng pritong pork chop sa wire rack.