Crispy Chicken Tacos

Directions

  1. 1Hiwain ang chicken breast sa maliliit na piraso.
  2. 2Hiwain ang puting sibuyas ng pa-diced.
  3. 3Hiwain ang bell pepper ng pa-diced.
  4. 4Igisa ang manok, sibuyas, at bell pepper sa frying pan.
  5. 5Lagyan ng Spanish Paprika, Chili Seasoning at Taco Seasoning.
  6. 6Haluin ang mga sangkap sa pan.
  7. 7Magdagdag ng chicken powder at haluin.
  8. 8Pagkatapos maluto, i-set aside muna ang pinaghalong sangkap.
  9. 9Maglagay ng mantika sa grilling pan.
  10. 10Ilagay ang tortilla wrap sa grilling pan.
  11. 11Lagyan ng mozzarella cheese.
  12. 12Lagyan ng pinaghalong sangkap ng manok, sibuyas at bell pepper.
  13. 13Lagyan muli ng mozzarella cheese sa ibabaw ng manok.
  14. 14Tiklopin ang tortilla at iluto hanggang maging golden brown.
  15. 15I-grate ang bawang sa bowl.
  16. 16Maglagay ng honey, mayonnaise, tubig, paprika at lemon sa bowl.
  17. 17Haluin ang mga sangkap sa bowl para makagawa ng sauce.
  18. 18Ilagay ang sauce sa tacos at i-enjoy.

Ingredients

  • Chicken Breast
  • 2 piraso White Onion
  • 2 piraso Bell Pepper
  • Spanish Paprika
  • Chili Seasoning
  • Taco Seasoning
  • Chicken Powder
  • Tortilla Wrap
  • Mozzarella Cheese
  • 2 piraso Bawang
  • Honey
  • Mayonnaise
  • Tubig
  • Paprika
  • Lemon

Equipment

Cutting boardKnifeBowlFrying panSpatulaWhiskGraterGrilling panTongs

Tips

  • Pwedeng gumamit ng ibang klase ng cheese.