Hotdog Twister

Directions

  1. 1Balatan ang hotdog at hiwain sa gitna.
  2. 2Tuhugin ang hotdog gamit ang barbecue stick.
  3. 3Hiwain ang hotdog ng pagganito o gaya ng nakikita sa video, na parang spiral.
  4. 4Alisin ang pagkaka-dikit ng hiniwang hotdog.
  5. 5Gumawa ng unang coating gamit ang pinaghalong breading mix at cornstarch.
  6. 6Gumawa ng pangalawang coating gamit ang dalawang pirasong large eggs.
  7. 7Palitin o haluin ang itlog ng maayos.
  8. 8Gumawa ng pangatlong coating gamit ang breadcrumbs at cheese powder.
  9. 9Gagamitan ito ng food processor para maging medyo pino yung texture.
  10. 10I-coat ang hotdog sa pinaghalong breading mix at cornstarch (first coat).
  11. 11I-coat ang hotdog sa binating itlog (second coat).
  12. 12I-coat ang hotdog sa pinagsamang bread crumbs at cheese powder (third and last coat).
  13. 13Maglagay ng medyo maraming mantika sa kawali at painitin.
  14. 14Ilagay isa-isa ang na-coat na hotdog sa mainit na mantika.
  15. 15Iprito ang hotdog hanggang sa maging ganito na yung texture at kulay nito, hindi gaano matigas.
  16. 16Gumawa ng sauce gamit ang banana ketchup at mayonnaise.
  17. 17Paghaluin ang banana ketchup at mayonnaise.
  18. 18Ilagay ang sauce sa supot o plastic ng yelo para maganda ang pagkalagay mamaya.
  19. 19Lagyan ng sauce ang hotdog twister.

Ingredients

  • 7 pcs hotdog
  • breading mix (crispy fry)
  • cornstarch
  • 2 large eggs
  • bread crumbs
  • cheese powder
  • mantika
  • banana ketchup
  • mayonnaise

Equipment

kutsilyocutting boardbarbecue stickbowlforkfood processorkawalitongsplastic ng yelo