1Paghaluin ang giniling na manok, kalabasa, red onion, spring onion, bawang, kinchay/wansoy, asin, paminta, garam masala, oregano, spanish paprika, toyo, cornstarch at all purpose flour sa isang malaking bowl.
2Haluin nang mabuti ang lahat ng sangkap hanggang maging homogenous.
3Lagyan ng oil ang mga kamay at ang scooper para hindi dumikit ang mixture.
4Mag-scoop ng 1/3 cup ng mixture at i-roll ito para humaba.
5Ilagay ang nire-roll na mixture sa blanched na dahon ng saging.
6I-roll ang mixture sa dahon ng saging at talian ang magkabilang dulo gamit ang tali.
7I-cut ang excess na tali at dahon ng saging para maging presentable ang itsura.
8Ilagay ang mga nakabalot na sausage sa kawali na may tubig at pakuluan ng 20 minuto.
9Pagkatapos ng 20 minuto, alisin sa kawali at hayaang lumamig bago iprito.
10Iprito ang sausages para makita ang itsura nito kapag luto na.