Coffee Jelly

Directions

  1. 1Maglagay ng 1 sachet chocolate flavor jelly powder, 1/3 cup ng sugar at 3 cups ng water sa isang saucepan.
  2. 2Mix lang nang mabuti at hayaang kumulo.
  3. 3Pagkatapos ay ilipat na dito sa container at hayaang mag-firm.
  4. 4Once firm na ay i-slice into small cubes at i-set aside muna.
  5. 5Sa isang saucepan maglagay ng 2 sachets Kopiko Brown Coffee at 1 sachet naman ng unflavored agar-agar o gulaman powder.
  6. 6Pagkatapos ay maglagay ng 4 cups ng water.
  7. 7Mix lang pagkatapos ay hayaan lang itong kumulo.
  8. 8Idagdag na ang 1 cup condensed milk at hayaan lang itong kumulo.
  9. 9Nagdagdag na rin ako ng isa pang sachet ng coffee para mas matapang pa ito (according to your taste lang po).
  10. 10Once na kumulo ay pwede na itong hangwin.
  11. 11Ilagay na ang mga jelly cubes dito sa pudding cup na 150 ML at pagkatapos ay buhusan ito ng coffee jelly.
  12. 12Hayaan lang mag-cool down bago i-refrigerate.
  13. 13Pagkatapos ay maglagay na ng toppings na grated chocolate.

Ingredients

  • 1 sachet chocolate flavor jelly powder
  • 0.33 cup sugar
  • 3 cups water
  • 2 sachets Kopiko Brown Coffee
  • 1 sachet gelatin or agar powder
  • 4 cups water
  • 1 cup condensed milk
  • 1 sachet Kopiko Brown Coffee
  • grated chocolate

Equipment

saucepancontainerladlewhiskgrater150 ML pudding cup

Tips

  • Magdagdag ng kape ayon sa iyong panlasa.