Two layer no bake cake

6h
Serves 1
facebook.com

Directions

  1. 1Para sa first layer, ilagay ang parchment paper sa base ng 8-inch round pan.
  2. 2Ilagay ang 8 piraso ng custard-flavored fudgy bar sa loob ng molde at i-press para maging flat.
  3. 3I-set aside muna ito.
  4. 4Sa isang kaserola, maglagay ng apat na lata ng evaporated milk.
  5. 5Isunod ang isang lata ng condensed milk.
  6. 6Pagkatapos, ilagay ang white unflavored gulaman powder.
  7. 7Haluin nang mabuti para matunaw ang jelly powder.
  8. 8Kapag tunaw na ang gulaman, isalang ito sa medium heat.
  9. 9Patuloy na haluin para maiwasan ang pagbuo-buo ng gulaman sa ilalim ng kaserola.
  10. 10Kapag kumukulo na, i-transfer ito sa molde gamit ang strainer para walang buo-buo.
  11. 11Durugin ang dalawang piraso ng custard fudgy bar at i-spread sa ibabaw ng cake.
  12. 12Hayaan itong lumamig sa counter bago ilagay sa refrigerator ng anim na oras.
  13. 13Para sa second layer, gumamit ng 6-inch round pan.
  14. 14Maglagay ng 1/4 cup ng asukal sa molde at isalang sa medium heat para gumawa ng caramelized sugar.
  15. 15Sa isang separate na bowl, maglagay ng tatlong itlog, isang lata ng evaporated milk, isang lata ng condensed milk at isang kutsarita ng vanilla.
  16. 16Salain ito ng isang beses para maging smooth ang flan.
  17. 17Sa separate na pan, magbuhos ng 3 cups of water.
  18. 18I-dissolve ang isang sachet ng yellow unflavored gulaman powder.
  19. 19I-buhos ang flan mixture na ginawa kanina.
  20. 20Lutuin ito sa medium heat, patuloy na haluin para hindi magbuo-buo ang jelly sa ilalim ng pan.
  21. 21Kapag kumukulo na, i-transfer ito sa cake molder kung saan ginawa ang caramelized sugar.
  22. 22Palamigin din ito sa counter at ilagay sa chiller ng anim na oras.
  23. 23I-unmold ang first layer.
  24. 24I-unmold ang second layer.
  25. 25Pagpatungin ang first at second layer.
  26. 26Magdagdag ng cake topper.

Ingredients

  • 8 pieces custard flavored fudgy bar
  • 4 lata evaporated milk
  • 1 lata condensed milk
  • 1 pack white unflavored gulaman powder
  • 2 pieces custard fudgy bar
  • 0.25 cup sugar
  • 3 eggs
  • 1 lata evaporated milk
  • 1 lata condensed milk
  • 1 teaspoon vanilla
  • 3 cups water
  • 1 sachet yellow unflavored gulaman powder

Equipment

8 inch round pancasserolewhiskstrainerbowl6 inch round pancake topper