1Paghaluin ang isang pack ng crushed graham at 100 grams ng melted butter o margarine hanggang maging well-combined.
2Maglagay ng cupcake liner sa muffin tin (size 3) at lagyan ng tig-1 tablespoon ng graham base. I-flatten ang ibabaw para pantay.
3Sa isang bowl, durugin ang limang piraso ng egg yolk.
4Pagkatapos durugin, ilagay ang isang lata ng condensed milk, isang lata ng evap milk, isang kutsarita ng vanilla extract, at kaunting yellow food color (para magmukhang leche flan) at haluin hanggang maging well-combined.
5Salain ang flan mixture kahit isang beses lang para mas maganda ang texture, pagkatapos ay i-set aside muna.
6Sa isang kaserola, ilagay ang isang sachet ng clear gulaman at 700ml ng tubig. Haluin hanggang matunaw ang gulaman.
7Lutuin ang gulaman sa katamtamang apoy hanggang kumulo. Pag kumulo na, patayin ang apoy.
8Ibuhos nang paunti-unti ang flan mixture habang hinahalo sa gulaman (nakapatay ang apoy).
9Buksan muli ang kalan sa mahinang apoy at lutuin ng 5 minuto hanggang lumapot.
10Ibuhos ang flan mixture sa graham base. I-set aside at palamigin.
11Habang pinalalamig ang flan, ihanda ang slurry sa pamamagitan ng paghahalo ng tatlong kutsara ng cornstarch at dalawang tasa ng tubig.
12Sa isang kawali, magkaramelize ng asukal sa mahinang apoy.
13Kapag natunaw na ang asukal, ibuhos ang slurry at haluin hanggang lumapot ang caramel.
14Kapag malamig na ang graham flan, lagyan ito ng caramel topping.