Carbonara

Directions

  1. 1Painitin ang kawali at maglagay ng kaunting mantika.
  2. 2Iprito ang bacon hanggang sa maging brown.
  3. 3Hanguin ang bacon at itabi.
  4. 4Sa pinagprituhan ng bacon, igisa ang sibuyas.
  5. 5Isunod ang bawang at haluin hanggang sa maging kulay brown.
  6. 6Idagdag ang button mushroom at gisa-gisahin.
  7. 7Isunod ang Nestle Cream.
  8. 8Idagdag ang Cream Keso.
  9. 9Dahan-dahang ilagay ang cream of mushroom.
  10. 10Ibalik ang bacon sa kawali.
  11. 11Timplahan ng isang pirasong beef cube para pampalasa.
  12. 12Pakuluan ng ilang minuto.
  13. 13Lagyan ng kaunting paminta.
  14. 14Pakuluan ang spaghetti sa tubig na may mantika at kaunting asin.
  15. 15Ilagay ang nilutong spaghetti sa carbonara sauce.
  16. 16Haluin nang mabuti.
  17. 17Ihain at lagyan ng toppings na grated cheese at tinadtad na bacon.

Ingredients

  • bacon
  • sibuyas
  • bawang
  • button mushroom
  • Nestle Cream
  • Creme keso
  • cream of mushroom
  • 1 piraso beef cube
  • paminta
  • mantika
  • asin
  • spaghetti

Equipment

pansandoktongs

Tips

  • Dahan-dahan lang sa paglalagay ng cream of mushroom dahil maalat ito.